So nagkasya sa runner-up finish sa Reykjavik Open chessfest
MANILA, Philippines - Nakipag-draw si Filipino Grandmaster Wesley So kay GM Pavel Eljanov ngunit nahulog sa ikalawang puwesto matapos ang tiebreak sa Reykjavik Open Chess Championships sa Iceland kahapon.
Sa katunayan, tumapos sina So at Eljanov na magkatabla para sa unang puwesto kasama si Egyptian GM Bassem Amin, nanalo sa kanyang final round match, sa magkakatulad nilang 8.0 points. Ngunit tinaglay ni Eljanov ang superior tiebreak score.
Sa kabuuan, pumangalawa si So kasunod si Amin, tinalo si GM Grzegorz Gajewski ng Poland.
Tinanggap ni Eljanov ang pakikipag-draw ni So matapos ang 3 moves lang ng Gruenfeld defense, ayon kay NCFP chairman/president Butch Pichay Jr.
Ayon sa official website report, plano ni Eljanov na patagalin pa ang laban ngunit nang alukin siya ng draw ni So ay wala siyang dahilan para tumanggi.
Nagtala si So ng rating performance na 2753 para makabilang sa Hydra Grandmaster group of players na may mga 2700 and above ratings.
Ang torneo ay bahagi ng paghahanda ni So para sa 2013 World Chess Cup na nakatakda sa Agosto 10 hanggang Setyembre 5 sa Norway. Makakasama ni So sa World Cup si GM Oliver Barbosa.
- Latest