Masusubukan ang Alaska: Haharap sa mabibigat na kalaban
MANILA, Philippines - Nasa ibabaw ng team standings at nag-iisang koponan na lamang na walang talo, magsisimula ang walong araw na kalbaryo ng Alaska sa PBA Commissioner’s Cup na uumpisahan ng laban nito kontra sa Talk ‘N Text ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Nasa kanilang pinakamagandang simula sa isang conference sa loob ng nakaraang tatlong taon, pipilitin ng Aces na mapanatili ang kanilang walang bahid na 4-0 panalo-talo sa alas-7:30 ng gabing pakikipagsalpukan sa Tropang Texters, ang three-peat Philippine Cup titlists na may 2-2 record pa lamang.
Bago ito ay susubukan muna ng Petron Blaze na manatiling nakabuntot sa Alaska, o tumabla sa liderato sakaling matalo ang Aces, sa pakikipagharap nito sa Air21 sa alas-5:15 ng hapon.
Nasa pinakamagandang simula sa isang confe-rence mula nang mag-6-0 start sa 2009-10 Philippine Cup noong panahon pa ni dating head coach Tim Cone, galing ang Alaska sa 84-69 panalo sa Tubod, Lanao del Norte noong Sabado kontra sa Ginebra.
Pero may tatlong mabibigat na laro ang Aces sa loob ng susunod na walong araw. Pagkatapos ng Talk ‘N Text ngayon ay susunod nilang makakaharap ang defending champion San Mig Coffee sa Miyerkules at matapos lamang ang dalawang araw ay ang po-werhouse at katabla nila sa pangalawang puwestong Petron Blaze naman ang kanilang makakabanggaan.
Galing sa 90-82 pagkatalo ang Tropang Texters sa kamay ng mga Mixers noong Linggo at hindi pa natatalo ng back-to-back games ang TNT sa ilalim ni head coach Norman Black.
“Talk ‘N Text is gonna be hard. We must make sure we play good defense against them,†pahayag ni Alaska head coach Luigi Trillo.
Halos pareho lamang ang mga numero ng dala-wang imports ng TNT at Alaska.
Nag-a-average si Robert Dozier ng Alaska ng 22.0 points, 38% mula sa field, 15.3 rebounds, 1.5 steals at 3.5 shotblocks samantalang si Keith Benson ng TNT nama’y may averages na 22.8 points, 62% mula sa field, 16.3 rebounds, 1.8 steals at 2.8 shotblocks.
- Latest