^

PM Sports

2 FEU cager nahulihan ng marijuana

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang cagers ng Far Eastern University ang nahulihan ng marijuana sa Nicanor Reyes Street sa panulukan ng Recto Avenue sa University Belt area malapit sa FEU campus kahapon.

Ang dalawang varsity player ng FEU na hinuli dahil sa posesyon ng marijuana ay sina American center Anthony Hargrove, Jr. at Canadian Adam Mohammed.

Nakuha kina Hargrove at Mohammed ang dalawang marijuana sticks at sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ang dalawang Tamaraws players ay dinala ng mga pulis sa MPD Station 4 sa distrito ng Sampaloc at nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Anti-Drugs Act.

Sa kanyang UAAP debut noong nakaraang season, nagposte si Hargrove ng mga averages na 7.6 points, 7.7 rebounds at 1.1 shotblocks, samantalang nagsisilbi pa ng kanyang residency si Mohammed para sa Tamaraws.

Sa ilalim ng Republic Act 9165, ang parusa sa taong nahulihan ng ipinagbabawal na gamot o droga ay pagkakakulong ng mula 12 taon at isang araw hanggang 20 taon bukod pa ang multang P300,000 hanggang P400,000.

vuukle comment

ANTHONY HARGROVE

CANADIAN ADAM MOHAMMED

DRUGS ACT

FAR EASTERN UNIVERSITY

HARGROVE

NICANOR REYES STREET

RECTO AVENUE

REPUBLIC ACT

TAMARAWS

UNIVERSITY BELT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with