Gasol malabong makalaro ngayong season
Sinabi ni Los Angeles Lakers coach Mike D’Antoni sa mga reporters na hindi niya inaasahang makakalaro si forward/center Pau Gasol sa huling bahagi ngayong season.
Hindi nakakalaro si Gasol dahil sa napunit na plantar fascia sa kanang paa sapul nang humarap ang Lakers sa Brooklyn Nets noong Feb. 5. Noong una ay inaasahang anim hanggang walong linggo lamang ito mawawala.
“I think by the time he gets back we’ll either be in or out,†sabi ni D’Antoni matapos ang panalo nitong Linggo kontra sa Dallas Mavericks. “So his impact will be in the playoffs if we can get there.â€
Ang Lakers (28-30) ay naghahabol sa eighth spot sa Western Conference.
Si Gasol ay nag-a-average ng 13.4 points, 8.0 rebounds, 3.6 assists at 1.3 blocks sa 36 games.
Samantala, pinapirma naman ng Houston Rockets si D-League center Tim Ohlbrecht sa multiyear deal at inilagay si forward Tyler Honeycutt sa Rio Grande Valley.
Ang 6-foot-11 na si Ohlbrecht ay nag-a-average ng 13.4 points, 7.4 rebounds at 1.6 blocks sa 32 games para sa Rio Grande Valley ngayong season.
- Latest