LA Lakers bagsak sa Denver Sa pagtutulungan nina Chandler at Lawson
DENVER -- Umiskor si Wilson Chandler ng 23 points at nagdagdag ng 22 si Ty Lawson para tulu-ngan ang Denver Nuggets sa 119-108 paggupo sa Los Angeles Lakers.
Nagtala ang Nuggets ng kabuuang 33 points sa fast break at may 78 markers naman sa shaded lane kontra sa Lakers.
“The fast-break points, that’s a killer,†sabi ni Lakers star Kobe Bryant sa Nuggets. “That team is like a track team over there.’’
Nag-ambag naman si Corey Brewer, sumalo sa naiwang trabaho ng may injury na si Danilo Gallinari, ng 16 points bukod pa sa kontribusyon nina reserves Anthony Randolph at Jordan Hamilton sa fastbreak.
Sa kabila ng hindi pag-lalaro ni Gallinari, ang leading scorer ng Nuggets, nakamit pa rin ng Denver ang kanilang pang-siyam na sunod na panalo sa kanilang balwarte.
Winakasan din ng Nuggets ang three-game winning streak ng Lakers.
Naglista si Andre Iguodala ng 14 points at 12 assists, habang humakot si Kenneth Faried ng 12 points at 10 rebounds para sa Denver.
Pinangunahan ni Bryant ang Lakers mula sa kanyang 29 points at ang kanyang fadeaway jumper sa huling limang minuto ang naglapit sa kanila sa 99-106.
Ngunit ito na ang hu-ling opensiba ng Lakers.
Humugot ang Nuggets ng 22 points mula sa 15 turnovers ng Lakers.
Kumolekta naman si Dwight Howard ng 15 points at 14 boards para sa Los Angeles.
Sa Auburn Hills, ku-mabig si Al Horford ng 23 points at 22 rebounds, habang naglista si Josh Smith ng 23 markers para banderahan ang Atlanta Hawks sa 114-103 paggupo sa Detroit Pistons.
Sa Salt Like City, gumawa si Paul Pierce ng 26 points upang igiya ang Boston Celtics sa 110-107 overtime win laban sa Utah Jazz.
- Latest