^

PM Sports

Ginebra nagbigay-pugay kay Jawo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilabas na ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) ngayong buwan ang limited edition  ng ‘Jawo’ bottle bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng dating  Ginebra playing coach na si Robert ‘Big J’ Jaworski.

Ang ‘bilog’ bottle ay inilunsad sa pagdaraos ng Panagbenga Festival sa Baguio City kung saan ipinanganak ang tinaguriang ‘Living Legend’ sa lara-ngan ng basketball, noong ika-8 ng Marso 1946. Ang kanyang ama ay isang Polish-American at Filipina naman ang kanyang ina.

Pinasikat ni Jaworski ang ‘never-say-die’ attitude sa Barangay Ginebra San Miguel team na nanalo ng apat na kampeonato sa  PBA.

Dinala si Jawo ng kanyang kasikatan sa Senado noong 1998 at noong nakaraang taon, iniretiro ng PBA ang kanyang No. 7 jersey.

Ang paglulunsad ng limited edition na Jawo bilog bottles ay bahagi rin ng paunang pagdiriwang ng Ginebra San Miguel ng ika-180 anibersaryo sa 2014 at bilang pasasalamat sa milyun-milyong tumatangkilik ng Ginebra San Miguel mula pa noong 1834.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BIG J

DINALA

GINEBRA SAN MIGUEL

JAWO

JAWORSKI

LIVING LEGEND

PANAGBENGA FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with