Bryant pinatahimik ang Dallas
DALLAS -- Umiskor si Kobe Bryant ng 38 points para pasikatan si Dirk Nowitzki sa kanilang duwelo at tulungan ang Los Angeles Lakers sa 103-99 paggupo laban sa Dallas Mavericks noong Linggo.
Tumapos naman si Nowitzki ng season-high 30 markers para sa Mavericks.
Parehong umiskor sina Bryant at Nowitzki ng 16 points sa first half at may tig-24 matapos ang third quarter.
Humugot naman si Bryant ng 14 points sa fourth period, kasama ang 7 markers sa huling tatlong minuto.
“It’s fun,’’ wika ni Bryant, nagtala rin ng 12 rebounds at 7 assists. “He’s one of my all-time favorites. He’s a throwback type of player. He doesn’t mind the physica-lity. He made some incredible plays down the stretch.’’
Naglaro si Bryant, nakalagpas sa 31,000-point mark, sa gusali ni Dallas team owner Mark Cuban dalawang araw matapos ihayag nito sa isang radio interview na dapat ikonsidera ng Lakers na bitawan ang five-time NBA champion sa pamamagitan ng amnesty clause.
“Amnesty THAT,’’ sabi naman ni Bryant sa kanyang Twitter account matapos ang laro.
“I’m sure if he wants to amnesty Dirk, that’s something we’ll be willing to entertain,’’ ani Bryant sa mga reporters.
Natawagan si O.J. Mayo ng foul kasunod ang kanyang technical matapos iprotesta ang tawag ng referee sa kanyang pagbabantay kay Bryant.
Isinalpak ni Steve Nash ang technical shot at tumipa naman si Bryant ng dalawang free throws para sa 94-90 abante ng Lakers kontra sa Mavericks.
- Latest