Wala nang makakapigil sa PNSA elections
MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Philippine National Shooting Association (PNSA) sa gaganaping eleksyon sa Sabado sa Marine Shooting Range sa Fort Bonifacio.
Nagtalaga na ang kasapi ng PNSA ng mga taong uupo bilang Commission on Election na siyang mangangasiwa sa maayos na halalan.
Si Ronald Robles ang siyang iniluklok bilang chairman ng Comelec habang ang mga kasapi nito ay sina James Chua ng MTA, Ronald Hejastro ng pistol, Danilo Flores ng rifle, Nonie Alvarez ng practical shooting at Larry Marinas ng non-ISSF.
Ang Philippine Olympic Committee ay magpapadala rin ng kanilang kinatawan bilang observer at itinalaga sa puwesto si POC 2nd Vice President Jeff Tamayo.
Hanap sa eleksyon ang mga opisyales na maninil-bihan sa susunod na taon at kasama sa iluluklok ay ang bagong PNSA president dahil nagpasya na ang nakaupong si Dr. Michael ‘Mikee’ Romero na magbitiw na.
Si Romero ay inilagay sa pampanguluhan ng samahan noong Hunyo, 2011 matapos ang pagbibitiw ng dating pangulo na si Art Macapagal.
Bibitiwan na ni Romero ang posisyon dahil marami siyang pinagkakaabala-hang trabaho at hindi na niya maibubuhos ang oras para sa PNSA.
“It’s time for others to lead the association. wika ni Romero.
- Latest