^

PM Sports

Bogut hindi sumama sa biyahe dahil sa injury sa likod

Pang-masa

OAKLAND, Calif.  – Hindi sumama si  Andrew Bogut sa  biyahe ng Golden State Warriors sa pagsisimula ng five-game road trip sa Minnesota nitong Linggo dahil sa iniindang injury sa kanyang likod.

Nakita sa MRI  na may nakausling buto sa likod ni Bogut na nagiging sanhi ng nararamdamang hilab, ayon sa Warriors nitong Sabado. Umaasa ang team na makakasama si Bogut sa huling bahagi ng biyahe na kinapapalooban ng pagdayo sa Indiana, New York, Boston at Philadelphia.

Ang nananakit na likod ang dahilan kung bakit hindi nakalaro si Bogut sa 107-101 overtime win ng Golden State sa sariling balwarte kontra sa San Antonio.

Hindi siya lumaro ng 43 sa 55 games ngayong season. Madalas na may problema sa likod si Bogut.

Matapos mabalian sa ankle noong nakaraang taon, napunta siya ng Golden State sa deal na nagdala kay guard Monta Ellis sa Milwaukee sa trading deadline.

Ang 7-foot Australian center ay nag-a-average ng 7.1 points, 6.5 rebounds, 2.3 assists at 22.5 minutes sa 12 games sa Warriors.

Hindi pa siya nakakaapat na sunod na laro nga-yong season bagamat maganda na ang kanyang recovery sa injury sa ankle.

Inaasahang si veteran backup Andris Biedrins ang magiging starter kapalit ni Bogut. Si rookie center Festus Ezeli ang aalalay kay Biedrins.

 

vuukle comment

ANDREW BOGUT

ANDRIS BIEDRINS

BIEDRINS

BOGUT

FESTUS EZELI

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

MONTA ELLIS

NEW YORK

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with