^

PM Sports

Bolts bumangon Iniligtas ni Salvacion

FMangonon - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinanda ni Sunday Salvacion ang isang three-pointer sa may kanang quartercourt bago mag-final buzzer para bigyan ang Meralco ng 90-89 come-from-behind na panalo laban sa Globalport kagabi na tumapos sa three-game losing streak ng Bolts sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Binangko ni Meralco head coach Ryan Gregorio sa kanilang unang apat na laro ngayong conference para mas mabigyan ng exposure ang kanilang mga bagong players na nakuha sa trades bago nagsimula ang torneo, hindi binigo ni Salvacion si Gregorio at ang kanyang mga teammates.

Nagtapos na may game-high na 20 puntos si Salvacion off-the-bench, karamihan ay mula sa 6-of-7 shooting mula sa three-point range kabilang na ang game-winner na nagbigay sa Bolts ng kanilang pangalawang panalo lamang sa limang laro.

“Sunday has not seen the floor in our first four games but that’s what veterans come in to do. They come in and play. Fantastic shot by Sunday… It was already a broken play,” pahayag ni Gregorio sa kanyang play na si Mark Cardona dapat ang designated scorer.

Pero nang nadepensahan ng husto si Cardona sa pag-drive nito sa basket ay nakita nito si Salvacion na agad niyang binigyan ng bola para sa game-winning three-point na kumumpleto sa pagbabalik ng Meralco mula sa pagkabaon ng umabot sa 17 puntos sa second quarter at naghahabol pa sa 77-87 may 3:42 minuto na lamang ang natitira sa laro.

Tatlong iba pang players sa pangunguna ng 19 puntos na sinamahan ng 17 rebounds, apat na steals, tatlong shotblocks at dalawang steals ni import Eric Dawson ang naging malaking bagay din sa panalo ng Bolts kung saan na-outscore nila ang Globalport 13-2 sa huling 3:42 minuto ng laro kung saan walong puntos ay nanggaling kay Salvacion.

Nagdagdag naman ng 16 puntos si rookie Cliff Hodge, 15 puntos si Cardona at career-high 17 assists si Chris Ross para sa Meralco sa larong naka-8-of-16 ang Bolts mula sa three-point range, kumpara sa 11-of-30 ng Globalport.

Napunta naman sa wala ang parehong conference-highs na 27 puntos ni Gary David at 22 ni Willie Miller, career-high 15 points ni rookie Jaypee Belencion at 13 rebounds at conference-best tying 8 shotblocks ni import Justin Williams para sa Batang Pier.

vuukle comment

BATANG PIER

CHRIS ROSS

CLIFF HODGE

ERIC DAWSON

GARY DAVID

GLOBALPORT

GREGORIO

JAYPEE BELENCION

MERALCO

SALVACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with