So nakisalo sa liderato sa Reykjavic Cup
MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino GrandÂmaster Wesley So (ELO 2684) si Chinese InÂterÂnational Master Wei Yi (ELO 2501) para maÂkisalo sa liderato sa fifth round ng 28th Reykjavik Open chess championships sa Harpa, Iceland noÂong Sabado.
Itinala ni So ang total 4.5 points kagaya ng naÂitala nina GM Pavel ElÂjanov ng Ukraine, GM MaÂxime Vachier-Lagrave ng France, GM Yu YangÂyi ng China, GM Anish GiÂri ng Netherland, GM Ivan Cheparinov ng BulÂgaÂria at GM Grzegorz GaÂjewski ng Poland.
Tabla si Eljanov kay Vachier-Lagrave at magÂkahati sa puntos sina GaÂjewski at Yu.
Nanalo naman si Giri kay GM Alexander Ipatov ng Turkey at namayaÂni si Cheparinov kay GM SteÂfan Kristjansson ng Iceland.
Sa sixth round, makaÂkaÂlaban ni Yu si Giri, haÂbang makakatapat ni Vachier-Lagrave si So.
Makakalaban ni CheÂpaÂrinov si Eljanov at kaÂÂduwelo naman ni GaÂjewski si GM Bartosz Socko ng Poland.
Si Socko ay tabla kay GM Vladimir Baklan ng Ukraine sa magkapareho nilang 4.0 points.
- Latest