Nietes hahamunin ni Fuentes
MANILA, Philippines - Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Mexican Moises Fuentes sa isang Filipino fighter.
At ang hahamunin pa ni Fuentes ay si Filipino World Boxing Organization light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes sa ‘Pinoy Pride XVIII’ sa Marso 2 sa Waterfront Cebu City Hotel.
“It’s my first time to fight a Filipino fighter and I’m hoping to win this fight,†sabi ni Fuentes kahapon sa press conference na idinaos ng ALA Boxing Promotions sa Shakey’s Malate, Manila.
Nangako si Fuentes na gagawin niya ang lahat para maiuwi ang suot na WBO title ni Nietes pagbalik niya sa Mexico.
“I expect a really fast fight and its going to be a challenging fight,†wika ni Fuentes, tinalo na ang da-ting WBO minimumweight titlist na si Ivan Calderon via fifth round KO noong Oktubre ng 2012.
Tangan ng tubong Murcia, Bacolod City na si Nie-tes ang kanyang 31-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 17 knockouts, habang bitbit naman ni Fuentes ang kanyang 16-1-0, 8 KOs card.
Si Nietes ang tanging Filipino boxer na matagum-pay na nakapagdepensa ng kanyang korona ng tatlong beses sa Mexico.
Binigo ni Nietes sina Mexican challengers Erik Ramirez, Manuel Vargas at Mario Rodriguez sa Me-xico City para sa kanyang ikalawa, ikatlo at ikaapat na sunod na pagtatanggol ng kanyang WBO crown.
“It’s gonna be a tough fight but I don’t care if I win by knockout or by decision,†sabi ni Fuentes. “It’s my first time to fight a Filipino fighter and I’m hoping to win this fight.â€
Sa isa pang laban, haharapin ni World Boxing Council International Silver super bantamweight titlist Genesis ‘Azukal’ Servania (19-0-0, 7 Kos) si Indonesian challenger Angky ‘Time Bomb’ Angkota (26-8-1, 14 KOs).
- Latest