^

PM Sports

LeBron humataw vs Chicago: Spurs wagi sa Clippers

Pang-masa

CHICAGO --Kung hindi pa malinaw sa lahat, desidido ang Mia-mi na ipagtanggol ang kanilang NBA title.

Itinala ng Heat ang kanilang season-high na ikasiyam na sunod na panalo nitong Huwebes ng gabi sa pamamagitan ng  86-67 pananalasa sa Chicago Bulls sa pangu-nguna ni LeBron James na humataw ng 26 points.

Ang panalong ito ay nagpakita ng ebidensiyang handa silang ubusin lahat ng teams sa  Eastern Conference at idepensa ang kanilang titulo.

“We all had a vision of how this team was going to really operate together, but there is no limit,’’ sabi ni Chris Bosh. “We can continue to get better. We can continue to play better together. Our defense can continue to improve. If we want to win in the postseason, it’s going to have to.’’

Nagtala rin si James ng 12 rebounds at 7-assists sa isa na namang impresibong performance makaraang mapigilan ang kanyang franchise-record na pitong sunod na larong umiskor siya ng hindi bababa sa 30 points.

Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 17 points sa larong kontrolado na ng Heat sa first half pa lamang para ipalasap sa Bulls ang ikapitong sunod na talo.

Sa Los Angeles, nakapagpahinga ang tumatanda nang San Antonio Spurs sa nakaraang All-Star break  at ito ay naging daan para makopo ang kanilang ikalimang sunod na panalo matapos igupo ang bigating Los Angeles Clippers, 116-90 sa pa-ngunguna ng 31 points ni Tony Parker.

Lamang ang  Spurs sa kabuuan ng laro kontra sa Clippers sa unang pagkakataon ngayong season para sumulong sa NBA-best 22-10 sa road games.

vuukle comment

CHICAGO BULLS

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

HUWEBES

LOS ANGELES CLIPPERS

SA LOS ANGELES

SAN ANTONIO SPURS

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with