Elizalde nanatili sa sa POC Executive Board
MANILA, Philippines - Pinanatili ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board si Frank Elizalde bilang isang regular member ng General Assembly at ex-officio member ng Executive Board sa pamamagitan ng isang unanimous vote kahit na nagretiro na siya bilang voting member ng International Olympic Committee (IOC).
Iniluklok ang 80-anyos na si Elizalde bilang kinatawan ng IOC sa Pilipinas noong 1985.
Bagama’t nagretiro na siya bilang IOC voting member, nananatili pa rin ang impluwensya ni Elizalde.
Kamakailan ay hinirang siya bilang IOC lifetime ho-norary member at pinalawig ang kanyang termino sa IOC Ethics and Nominations Commissions ng apat na taon.
“I can’t imagine the POC without Mr. Elizalde especially now that we are handling so many important matters,†sabi ni POC president Jose Cojuangco Jr.
“As an outstanding sportsman and being an hono-rary member of the IOC, Mr. Elizalde more than qua-lifies to continue being a member of the POC General Assembly,†dagdag ng POC chief.
Nang aprubahan ng POC Executive Board ang mos-yon na panatilihin si Elizalde, sinabi niyang isang kara-ngalan ang muling mapagsilbihan ang POC at ang IOC.
Para kilalanin ang estado ni Elizalde sa IOC, binigyan siya ng karapatang mag-award ng gold medals sa bawat player ng US basketball team sa presentation ceremony sa London Games noong nakaraang taon.
Mismong si outgoing IOC president Jacques Rogge ang humiling kay Elizalde na magpatuloy bilang mi-yembro ng IOC Ethics Commission at chairman ng makapangyarihang IOC Nominations Commission.
Magiging aktibo pa rin si Elizalde sa IOC, ngunit bilang isang retiradong miyembro, wala na siyang boses at boto sa Congress. Sa pagreretiro ni Elizalde, nanomina si Asian Games equestrian gold medalist Mikee Cojuangco-Jaworski bilang voting IOC representative sa Pilipinas.
- Latest