Malakas ang kapit ng Spurs sa itaas ng NBA Power Rankings
Nanatili ang San Antonio Spurs sa taas ng Yahoo! Sports NBA Rankings sa ikaapat na sunod na linggo at kung titingnan ang kanilang mga nalalabing laro sa regular-season schedule, hindi na sila matitibag sa No. 1 spot.
Ang Spurs ang may-ari ng NBA-best 21-10 road record at may apat na larong natitira sa kanilang nine-game road trip.
Nakatakdang lumaro ang San Antonio ng 17 sa kanilang 24 games sa sariling balwarte kung saan may record sila na 22-2 mark.
Ang Western Conference ang may apat na koponang kasama sa top five teams ng NBA ngayong linggo.
1. San Antonio Spurs (42-12, dating ranking: first): Ang Spurs ay may Western Conference showdown sa Huwebes kontra sa Los Angeles Clippers. Ang San Antonio ay ang tanging team sa NBA na nakaabot na ng 40 wins.
2. Oklahoma City Thunder (39-14, dating ranking: second): May nagkakainteres kay backup PG Eric Maynor ngayong malapit na ang trade deadline, ayon sa source. Matapos makabalik mula sa operasyon sa tuhod, nawala ang trabaho niyang back-up point guard kay Reggie Jackson.
3. Los Angeles Clippers (39-17, dating ranking: third): Nadawit si guard Eric Bledsoe sa mga usap-usapang trade ngunit magiging restricted free agent siya pagkatapos pa ng 2013-2014 season at si PG Chris Paul ay hindi pa nakakapirma ng long-term extension.
4. Miami Heat (36-14, dating ranking: fourth): Itataya ng Heat ang kanilang seven-game winning streak kontra sa host Atlanta nitong Miyerkules. Ang Hawks ay 7½ games ang layo sa likod ng Miami sa Southeast Division.
5. Memphis Grizzlies (33-18, dating ranking: sixth): Ngayong tapos na ang All-Star break at ang pagbisita ng bagong owner na si Robert Pera ay oras na para mag-move-on ang Grizzlies mula sa pagkaka-trade ni Rudy Gay at magpokus sa playoff positioning sa West.
6. New York Knicks (32-18, dating ranking: fifth): Ang Knicks ay may malaking Eastern Conference showdown nitong Miyerkules sa Indiana. Ang Knicks ay pumapangalawa sa East sa likod ng Miami at may 1½ game na distansiya sa Pacers.
7. Denver Nuggets (33-21, dating ranking: seventh): Ang Nuggets ay natalo ng tatlong sunod bago ang All-Star break at sila ang host laban sa mainit na Celtics nitong Martes na kanilang tinalo, 97-90. Bantayan si Timofey Mozgov habang papalapit na ang trade deadline.
8. Indiana Pacers (32-21, dating ranking: eighth): Maaaring makapag-debut na si forward Danny Granger (injury sa tuhod) sa Miyerkules kontra sa Knicks.
9. Brooklyn Nets (31-22, dating ranking: 11th): Inaasahang makakabalik si Deron Williams mula sa ankle injury ngayong linggo na kanyang unang laro sapul nang sabihin ni USA Basketball chairman Jerry Colangelo na wala siya sa kondisyon noong Olympics.
10. Chicago Bulls (30-22, dating ranking: 10th): Sinabi ng may injury na si Bulls guard Derrick Rose kamakailan na baka hindi na siya makalaro ngayong season dahil sa kanyang injury sa tuhod pero nakibahagi na siya sa 5-on-5 drill kamakalawa.
- Latest