Spurs pinaluhod ang Kings sa pagbibida ni Parker Para sa top record sa NBA
SACRAMENTO, Calif. -- Kumolekta si pointguard Tony Parker ng 30 points at 11 assists para akayin ang San Antonio Spurs sa 108-102 paggiba kontra sa Sacramento Kings nitong Martes ng gabi.
Nakamit ng Spurs ang kanilang pang-15 panalo sa huling 16 laro.
Tumipa si Parker ng 10-of-20 fieldgoals at 10- of-12 free throws.
“He (Parker) picked up where he left off before the All-Star break,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovic. “He’s having an unbelievable year. He just keeps doing it.’’
Si Parker ang naging problema ng Kings mula sa kanyang mga salaksak at paghugot ng mga fouls.
Nakahugot din ang Spurs ng 21 points kay Danny Green mula sa kanyang 5-for-8 shooting sa 3-point line na galing sa mga pasa ni Parker.
Tangan ngayon ng Spurs ang top overall record sa NBA (43-12) kasama ang kanilang best road mark (21-10).
Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 15 points at may 12 naman si Manu Ginobili para sa San Antonio na nanalo sa Sacramento sa pang-10 sunod na pagkakataon.
Si Boris Diaw ay may 10 points at nagdagdag si Tim Duncan ng 9 points at 14 rebounds para sa Spurs.
Umiskor si Isaiah Thomas ng 22 points para sa Kings, habang may 20 si Tyreke Evan, 16 si Marcus Thornton at tig-11 sina Jason Thompson at DeMarcus Cousins.
- Latest