^

PM Sports

El Libertador pinakamalaki ang kinita sa buwan ng Enero

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng El Li-bertador ang pangunguna sa larangan ng pala-kihan ng kita ng mga pangarerang kabayo matapos ang buwan ng Enero sa taong 2013.

Dinomina ng nasabing kabayo na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang Philippine Chari-ty Sweepstakes Office Maiden Race noong Enero 27 para kunin ang unang gantimpala na P600,000.00.

Sapat ang nakuhang premyo para maisantabi ang magandang ipinakita ng kabayong Salvatore na hindi naman natalo sa apat na takbo sa nilahukang karera noong nakaraang buwan.

Nakapaghatid ang Salvatore na dinidiskartehan ni JB Cordova ng P522,233.67 premyo sa maagang pamama-yagpag nito.

Ang Seni Seviyorum ang nasa ikatlong puwesto bago sinundan ng Headline Chaser at Raon.

May dalawang panalo, isang segundo at da-lawang terserso puwesto ang Seni Seviyorum upang magkaroon na ng kabuuang P366,352.31 premyo habang ang Headline Chaser na may dalawang panalo at isang segundo puwestong pagtatapos ay kumabig na ng kabuuang P338,625.51 premyo.

Ang Raon na hawak ni Jan Alvin Guce  ay mayroong P334,790.01 premyo mula sa dalawang panalo at tig-isang segundo at tersero puwestong pagtatapos.

Ang Unpredictable (P323,070.71), New Dawn  (P318,209.92), Carmelo (P316,293.19), Amsterdam (P315,235.42) at Saga (P315,195.89) ang nakasama sa unang sampung puwesto sa talaan.

Ang Juggling Act na nanalo sa Philracom Mayor Nemesio S. Yabut (III) para hu-mablot ng P300,000.00 ay kasama ng Cat’s Silver at Be Humble sa ika-15th hanggang 17th puwesto.

vuukle comment

ANG JUGGLING ACT

ANG RAON

ANG SENI SEVIYORUM

ANG UNPREDICTABLE

BE HUMBLE

EL LI

ENERO

HEADLINE CHASER

JAN ALVIN GUCE

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with