Pupuwede ba talagang magkaroon ng 3-karerahan?
MANILA, Philippines - Handa ba ang mga tao sa horse racing industry sa pagbubukas ng ikatlong racing track?
Ang katanungang ito ay pilit na hahanapan ng kasagutan matapos ang isang linggong panga-ngarera sa bagong bukas na Metro Manila Turf Club na matatagpuan sa Malvar, Batangas.
Kagabi ay opisyal na nagbukas ang bagong race track na may ipinagmamalaking ‘state-of-the-art’ na pasilidad at nagdaos ito ng anim na karera.
Umabot lamang sa 43 ang kabayong idineklara pero sapat pa para mailarga ang buena-manong karera sa Batangas.
Ngunit kinailangan na kanselahin ng MMTC ang pangalawang araw ng karera ngayon dahil sa mas maliit ang bilang ng mga idineklarang kabayo at hindi na makabuo ng programa.
May mga nagsasabing nanganganay pa ang mga horse owners pero kapag nakasanayan na ang pagtakbo sa bagong race track ay unti-unti na ang pagdami ng mga kabayong tatakbo rito.
Pero, may mga nagsa-sabi na problemado ang mga horse owners sa pagbiyahe ng kanilang pa-ngarerang kabayo mula sa kinalulugaran sa San Laza-ro Leisure Park sa Carmona, Cavite o sa Santa Ana Park sa Naic Cavite dahil dagdag gastos ito sa kanila.
Sa ngayon ay wala pang komento ang Philippine Racing Commission (Philracom) at nais na sipatin ang resulta ng isang linggong pista sa Batangas.
Ito rin ang huling linggo na magkakaroon ng isang linggong karera ang isang racing club dahil sa mga susunod na linggo, ang tatlong racing clubs ay binibigyan na lamang ng tig-dalawang araw sa isang linggo para makapagpakarera.
Sa panig ng MMTC, sinabi naman nila na tuloy ang mga karera mula Huwebes hanggang Linggo at sa huling araw, isasagawa ang pinakamagarbong patakbo dahil sa dalawang stakes races ng Philracom na isasabay sa mga karera na gugunita sa Araw ng Mandaluyong.
- Latest