^

PM Sports

Marquez pinayuhang magretiro na ni Sulaiman

RC - Pang-masa

Matapos patumbahin si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa kanilang pang-apat na paghaharap, maaari nang magretiro si Juan Manuel Marquez.

Ito ang payo ni World Boxing Council president Jose Sulaiman sa 39-anyos na si Marquez na pinatulog ang 34-anyos na si Pacquiao noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Sulaiman sa panayam ng BoxingScene.com na ito na ang tamang panahon para isabit ni Marquez, isang Mexican world four-division titlist, ang kanyang mga boxing gloves.

“Juan Manuel is a great fighter who won a lot of money and became famous, and fought with several big names inclu-ding Manny Pacquiao,” wika ni Sulaiman. “Undoubtedly, with that last victory over Pacquiao, it has taken his career to an immesurable height, and it is  the culmination of a great career for a young Mexican who is 39-years old and has a very nice family.”

Sinabi pa ng WBC president na sapat na ang panalo ni Marquez kay Pacquiao para siya magretiro.

“In my opinion he should hang up the gloves,” ani Sulaiman kay Marquez, inilusot ang isang draw sa kanilang unang laban ni Pacquiao sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round noong Mayo ng 2004.

Tinalo naman ng Sarangani Congressman ang Mexican sa kanilang rematch via split decision noong Hunyo ng 2008 para sa WBC super feather-weight title kasunod ang isang majority decision victory sa kanilang pa-ngatlong paghaharap noong Nobyembre ng 2011.

“Juan Manual can walk away after knocking out someone who they were calling ‘the best fighter in the world’,” sabi ni Sulaiman kay Marquez. “I’m just giving friendly advise.”

JOSE SULAIMAN

JUAN MANUAL

JUAN MANUEL

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

SULAIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with