PBA D-League Aspirants’ Cup NLEX vs Cagayan sa best-of-3 finals
Laro bukas
(Ateneo Blue Eagle Gym)
3 p.m. – Cagayan Valley
vs NLEX
MANILA, Philippines - Ibinigay ni Kirk Long ang pinakamahalagang depensa na hanap ng NLEX upang makaabante na sa finals sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa pamamagitan ng 87-85 panalo sa Jose Rizal University sa pagtatapos ng semifinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Binutata ni Long, na kilala sa kanyang depensa noong naglalaro pa sa Ateneo sa UAAP, ang tangkang panablang tres ni John Villarias may 3.8 segundo sa orasan upang maitakas ang panalo.
“Nakahinga ng maluwag,†wika ni Road Warriors coach Boyet Fernandez. “Mahirap silang kalaban lalo na noong pumapasok na ang kanilang tres. Mabuti na lang at maganda ang depensa namin sa huli.â€
May 17 sa nangungunang 19 puntos sa second half si Kevin Alas habang si Ian Sangalang, Jake Pascual at Ronald Pascual ay naghatid ng 14, 13 at 11 puntos at ang NLEX ay palaban sa kanilang ikaapat na sunod na titulo.
Si Villarias ang nagtala ng pinakamataas na iskor sa lahat ng manlalaro sa kanyang 25 na nilakipan ng 7-of-12 shooting ngunit kinapos ang kanyang pagbibida dahil sa husay sa depensa ni Long.
Ang Cagayan Valley Rising Suns ang siyang makakalaban ng Road Warriors sa best-of-three finals matapos kunin ang 80-68 tagumpay sa Blackwater Sports sa unang laro.
Si Elliud Poligrates ay mayroong 17 puntos para pangunahan ang apat na manlalaro ng Rising Suns na may 10 puntos pataas at ginamit ng koponan ang malakas na pagla-laro sa second half upang makuha ang panalo.
Gumawa ng 45-se-cond half points ang Rising Suns habang nilimitahan ang Elite sa 28.
- Latest