2 mananaya naging milyonaryo sa WTA
MANILA, Philippines - Natapos noong Linggo ang pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite pero noong Sabado, nagbigay ng saya ang racing club nang dalawang karerista ang nasama sa millionaire’s list sa taong ito.
Sa unang Winner-Take-All (WTA) na pinaglaba-nan ay naisama ng mapalad na mananaya sa kanyang ruta ang mga dehadong kabayo na Dandino, Azimuth at Pleasure Giver sa races five, six at seven upang mahagip ang P1,812,439.20 dibidendo.
Hindi pa nakontento, sa second WTA ay namigay uli ang racing club ng mahigit isang milyon para maitala ang kauna-unahang double millionaire sa isang araw ng karera sa taon.
Halagang P1,243,753.20 ang naibulsa ng sinu-werteng karerista na naisama ang dehadong Chanel Ko To sa naunang tatlong di napaborang kabayo.
Bagama't nasa ikalawang buwan pa lamang ng taon, nagkaroon na ng limang milyonaryo sa horse racing dahil sa WTA.
Ang nangyari noong Sabado ang nag-akyat sa tatlo sa mga kumabig ng malaking premyo sa Manila Joc-key Club habang ang dalawang milyonaryo ay nangyari sa Santa Ana Park.
Inaasahang dadagsa pa ang mga yayaman sa horse racing dahil sa naglalakihang premyo na paglalaba-nan sa mga susunod na mga buwan na magbibigay din ng katiyakan na mahigpitan ang bawat tagisan at kahit mga dehadong kabayo ay may tsansang manalo.
Samantala, pinasaya ng Apo Papato ang bayang karerista nang maghatid ng libong piso na dibidendo sa di inaasahang pagkapanalo sa nilahukang karera noong Linggo.
Si JB Bacaycay ang hinete ng kabayo na nameta-han ang tila panalo ng Shimmering Pebbles.
Nagpamigay ng P1,810.50 ang win ng Apo Papato habang nasa P273.50 lamang ang ibinigay sa forecast na 4-5 dahil sa dikit-dikit na benta ng mga naglaban.
- Latest