^

PM Sports

Ateneo hangad ang titulo sa UAAP baseball at football

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itala ang kauna-unahang  kampeonato sa UAAP baseball ang gagawin ng Ateneo ngayon sa pagbangga uli sa  National University sa Game two sa Rizal Memorial Ballpark.

 Hawak ng Eagles ang 6-2 panalo sa Bulldogs at sila ang napapaborang kumuha uli ng panalo sa kanilang ika-12 ng tanghali na tunggalian.

Bubuksan din ng Adamson ang paglapit sa inaa-sam na ika-12 titulo sa softball sa pagsukat sa Natio-nal University sa ganap na ika-9 ng umaga.

May thrice-to-beat advantage ang Lady Falcons sa Lady Bulldogs dahil sa 12-0 sweep sa elimination round.

Labanan  ng mg taga-Katipunan sa Men’s football finals

Ang mga nakabase na Unibersidad sa Katipunan, Quezon City na Ateneo at UP ang maglalaban para sa titulo sa men’s football.

Tinalo ng back-to-back defending champion Maroons ang FEU, 2-1, habang nanalo ang Eagles sa kari-bal na La Salle, 4-3, sa larong nadesisyunan sa penalty shootout.  Si Jico Noel ang nagsalba sa laban ng Eagles nang maipasok ang kanyang penalty shot habang mintis ang tangkang panablang birada ni Patrick Deyto.

Hindi naman maituturing na walang kinang ang laban ng FEU at La Salle dahil ang kanilang mga koponan ang magtutuos sa women’s title.

 

ATENEO

KATIPUNAN

LA SALLE

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

NATIONAL UNIVERSITY

PATRICK DEYTO

QUEZON CITY

RIZAL MEMORIAL BALLPARK

SI JICO NOEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with