2-knockout games
Laro Ngayon
SEMIFINALS, GAME 3
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. – Blackwater Sports vs Cagayan Valley
4 p.m. – NLEX vs Jose Rizal University
MANILA, Philippines - Hanap ng NLEX Road Warriors na makatapak sa championship round sa ikaapat na sunod na pagkakataon habang ang tatlong iba pa ay nangangarap na maramdaman ang tamis ng paglalaro sa finals.
Dalawang knockout game ang masisilayan ngayong hapon sa pagtatapos ng semifinals ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa The Arena sa San Juan City.
Ang Road Warriors ay masusukat sa palabang Jose Rizal University sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang pagkikita ng Blackwater Sports at Cagayan Valley sa ganap na ika-2 ng hapon.
Nalagay sa alanganin ang puntirya ng tropa ni coach Boyet Fernandez na mahawakan ang ikaapat na sunod na titulo sa liga dahil namemeligro silang makaabot sa finals matapos ang 94-108 pagkatalo sa Heavy Bombers.
Inspirado ang tropa ni coach Vergel Meneses na haharap sa pressure-packed na larong ito dahil sila ang magiging kauna-unahang koponan na makakapigil sa pagragasa ng NLEX.
“Para manalo kami, dapat ay makitaan kami ng magandang depensa. Ang hamon ngayon sa team ay ipakita ang kakayahang bumangon bilang isang champion team,†wika ni Fernandez.
Handa ang Bombers na maki-pagsabayan lalo na kung patuloy na magpapakita sina John Villarias at Dexter Maiquez na siyang puwersa ng koponan.
“Bagama’t baguhan kami, nakikitaan na ng character at maturity ang mga bata. Confident ako na kaya namin silang sabayan lalo na kung ganoong laro ang maipapakita namin,†pahayag ni Meneses.
Wala namang itulak-kabigin sa Elite at Rising Suns ngunit ang momentum ay nasa panig ng bataan ni coach Leo Isaac matapos ang 86-79 panalo sa hu-ling labanan.
Magandang pagtutulungan ng bench at starters ang magiging susi uli para makarating ang Elite sa finals sa unang pagkakataon.
Sa kabilang banda, ang panunumbalik ang tikas nina James Forrester at Raymond Almazan ang makakatulong para magiging makulay ang ikalawang conference ng Rising Suns.
- Latest