No. 2 inokupahan ng Ateneo Lady Spikers
MANILA, Philippines - Nalampasan ng Ate-neo ang hamon ng UST sa kinuhang 28-26, 25-15, 25-22 panalo at okupahan ang ikalawa at huling twice-to-beat advantage sa UAAP women’s volleyball na ang eliminasyon ay nagtapos kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi napigil si Alyssa Valdez sa kanyang 23 puntos habang sina Fille Cainglet at Dennise Lazaro ay nagkaroon ng tig-walong digs upang magkaroon ng pangil ang Lady Eagles sa opensa at depensa at manalo sa la-rong tumagal ng isang oras at 19 minuto.
Tinapos ng Ateneo ang double-round elimination bitbit ang 10-4 baraha upang malagay sa ikalawang puwesto kasunod ng La Salle na mayroong 13-1 baraha.
“Gusto naming ma-kuha ang twice-to-beat advantage para tumaas ang aming morale sa Final Four. Ngayong hawak na namin ito, mas magiging ganado kami sa pagsasanay,†wika ni Valdez na may 18 attacks at 3 service aces.
Sinikap ng Lady Tigresses na manalo sa laro at binigyan ng matinding laban ang Ateneo sa una at ikatlong set ngunit hindi nila kinaya na tapusin ang mainit na panimula.
Sa huling set ay lumayo pa ang UST sa 16-9 pero bumigay din ang depensa ng koponan sa malakas na pag-atake ng Ateneo sa pamumuno ni Valdez.
Ang Adamson ay umani ng 25-20, 25-9, 25-17, tagumpay sa UP sa unang laro tungo sa 9-5 karta upang hawakan ang ikatlong puwesto.
Ang Lady Falcons ang makakabangga ng Ateneo sa Final Four.
- Latest