12 kabayo mag-uunahan para sa Sorteo Cup
MANILA, Philippines - Makikisingit ng atensyon ang 12 kabayo na tatakbo sa Sorteo Cup ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Tampok na karera sa pagtatapos ng isang linggong pista sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang P2 million PCSO Freedom Cup Race Open nguÂnit tiyak na hindi magpapahuli ang mga magtataÂgiÂsan sa Sorteo Cup kung aksyon ang pag-uusapan.
Magpapasigla sa 1000-meter sprint race ang isinaÂhog na P180,000.00 premyo na makukuha lamang ng mananalong kabayo na magtitiyak na palaban ang laÂhat ng mga kasali.
Ang mga magpapanagupa ay ang Speed Maker (CP Henson), Doctor Choice (ED Villahermosa), DuÂgo’s Paramour (Dar De Ocampo), Ice Storm (RR De LeÂon), Dragon May (EG Reyes Jr.), Quaker’s Hill (JA Guce), Vergara (V Dilema), Smiling Julia (JPE VilÂlanueva), Color My World (LT Cuadra Jr), Chinoi (LF de Jesus), State Witness (P Dilema) at Jade And DiaÂmond (JB Cordova).
Ipinalalagay na maliliyamado ang mga kabaÂyong State Witness at Color My World matapos ang maÂgandang itinakbo sa huling karera.
Sakay pa ni Russel Telles, ang State Witness ay puÂmangatlo sa class division 2 race noong Pebrero 8, habang ang Color My World ay pumangalawa sa naÂsabi ring karera.
Si Pat Dilema ang hahalili kay Telles sa pagdiskartÂe sa pitong taong kabayo na pinaniniwalaang magbibigay ng mas magandang tsansa para manalo.
Lahat ng kabayo maliban sa Ice Storm ay galing sa laban kaya’t tiyak na kondisyon ang mga ito na magÂtitiyak ng kapana-panabik na resulta ng karera.
Ang post time ng Sorteo Cup ay sa ganap na ika-3:30 ng hapon at kasunod nito ay ang pagtakbo ng tamÂpok na karera na Freedom Cup na handog ng PhiÂlipÂpine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pinapatok ang 2012 Horse of the Year Hagdang BaÂto na tatakbo kasama ang coupled entry Barkley, sa 1,600m karera habang ang magiging karibal ay ang MagÂna Carta.
Ang Chevrome at coupled entries High Voltage at MaÂker’s Mark ang kukumpleto sa mga magtatagisan at ang mananalo ay magbibitbit ng P1.2 milyong premÂÂyo.
- Latest