Ninoy Aquino Stadium alternate venue ng FIBA-Asia C’ships
MANILA, Philippines - Ang Ninoy Aquino Stadium ang napili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas bilang alternate venue ng 27th FIBA-Asia Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay City.
“Yes, I’m finalizing it today (kahapon) with the Philippine Sports Commission,†sabi ni SBP deputy executive director Bernie Atienza.
“The Ninoy Aquino Stadium is a logical choice, No. 1, its with the PSC, which is one of our hosting partners, and No. 2 due to its proximity to the main hub, which is the MOA Arena,†dagdag pa nito.
Balak ng SBP at ng PSC sa pamamagitan ni chairman Richie Garcia na ipaayos ang naturang air-conditioned venue, isa sa dalawang basketball gyms na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
“The SBP hopes to hold some games in the group stagings at the Ninoy but majority of the games will still be held in MOA,†sabi ni Atienza.
Bibisitahin din ng SBP ang bagong gawang Arellano University Gym, nasa Taft Ave. malapit sa Vito Cruz, Manila at ang mga pasilidad ng Emilio Aguinaldo, Lyceum at Letran bilang posibleng training sites para sa foreign teams na lalahok sa nasabing Asian qualifying meet.
Kabuuang 16 koponan, kasama ang Smart Gilas Pilipinas II ang mag-aagawan sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.
- Latest