^

PM Sports

Turkoglu, banned ng 20-games sa pagiging positibo sa steroids

Pang-masa

ORLANDO, Fla. – Sinuspindi si Orlando Magic forward Hedo Turkoglu ng 20 games ng NBA nitong Miyerkules matapos maging positibo sa ipinagbabawal na performance enhancing drugs.

Sinabi ng NBA na positibo ang test ni Turkoglu sa methenolone, isang anabolic steroid. Nagsimula ang kanyang suspension nitong Miyerkules ng gabi nang mag-host ang Magic kontra sa Atlanta Hawks.

Inamin naman ni Turkoglu ang pagiging positibo sa steroids at humingi siya ng paumanhin sa  Magic organization, sa fans at mga teammates niya.

Sinabi niyang uminom siya ng gamot mula sa isang trainer sa Turkey noong nakaraang summer para makatulong sa kanyang maka-recover  mula sa injury sa balikat at ang pagkakamali niya ay hindi niya na-check kung mayroon itong lahok na banned substances sa NBA.

“As a player, this is the worst situation that you want to be in,’’ sabi ni Turkoglu. “I’m just sorry to put the organization in this situation. ... I should have double-checked and researched and shouldn’t be in this situation.’’

Siya ang ikawalong player na nasuspindi  dahil sa performance-enhancing drugs sa ilalim ng NBA drug testing policy.

Siya ang ikalawang Magic player na nasuspindi sa loob ng apat na taon makaraang masuspindi si  dating Magic forward Rashard Lewis ng 10 games noong 2009 matapos maging positibo sa napakataas na testosterone level.

Sinabi ni Turkoglu na nag-test siya noong December at nalaman niyang suspindido siya noong Martes ng gabi.  Tatlong games na hindi lumaro si Turkoglu dahil sa sipon at sakit sa likod ngunit walang kinalaman ito sa pagiging positibo niya sa steroids.

 

ATLANTA HAWKS

FLA

HEDO TURKOGLU

MIYERKULES

ORLANDO MAGIC

RASHARD LEWIS

SINABI

SIYA

TURKOGLU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with