Casimero pinaghahandaan ng kalabang Panamanian
MANILA, Philippines - Kasalukuyan nang nasa maigting na pagsasanay si Panamanian challenger Luis ‘Pan Blanco’ RÃos para sa kanyang paghahamon kay Filipino world light flyweight champion Johnriel CaÂsimero sa Marso 16 sa Panama.
“Preparations proceed fantastically well,†sabi ni Rogelio Espino, ang ma-nager ni Rios. “Luis is motivated, relaxed and focused on winning March 16 to give our country Panama another world title in boxing.â€
Nakatakdang itaya ni Casimero ang kanyang suot na International Boxing Federation crown kontra kay Rios.
Naging matagumpay ang pagtatanggol ng tubong Ormoc City, Leyte sa kanyang hawak na IBF light flyweight title kontra kay Mexican challenger Pedro Guevara noong nakaraang taon sa Centro de ConÂvenciones sa Mazatlán, SiÂnaloa, México.
Tinalo ni Casimero si Guevara via split decision upang patuloy na isuot ang naturang IBF belt.
Unang dumayo si Casimero sa Me-xico noong Hulyo 24, 2010 kung saan siya inagawan ni Ramon GarÂcia Hirales ng hawak niyang World Boxing Organization (WBO) interim title via split deÂcision sa Los Mochis, SiÂnaloa.
Ibinabandera ni Casimero, ipinagdiwang ang kanyang ika-23 kaarawan kahapon, ang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs kontra sa 22-anyos na si Rios (18-1-1, 13KO’s).
Bukod kay Casimero, ang iba pang Pinoy fighters na naging kampeon sa light flyweight division ay sina Dodie Boy Peñalosa (IBF 1983), Tacy Macalos (IBF 1988-89), Rolando Pascua (WBC 1990-91), Rodel Mayol (WBC 2009-2010), Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria (WBC 2006 at IBF 2009) at Donnie Nietes (WBO 2011-2012).
- Latest