^

PM Sports

Holyfield dumating para tumulong sa mga biktima ng bagyong Pablo

AC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating dito sa Pinas si Evander Holyfield, dating undisputed heavyweight champion para tumulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Mindanao.

Ang 50-gulang na  superstar ay makikisa-lamuha sa mga libu-libong mahihirap na naging biktima ng kalamidad  noong Disyembre.

“We have to feed the hungry,” sabi ng boxer nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport kahapon ng umaga.

Si Holyfield, ang four-time heavyweight champion mula 1990 hanggang 2000, ay isang ambassador ng Global Village Champion Foundation, isang non-profit organization na itinayo nina Yank Barry at Muhammad Ali.

Kasamang dumating ni Holyfield si Barry, nominee para sa 2012 Nobel Peace Prize.  Sinabi niyang ang GVCF  ay madalas na nakikipag-ugnayan sa mga biktima ng bagyong Pablo.

“We started shipping containers (ng relief goods) here the day after the typhoon,” sabi ng 65-gulang na Canadian na isa ring singer, composer, producer at pilantropo.

Ambassador for Asia din ng GVCF, nagpakain sa mahigit 800 million katao sa buong mundo, ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao.

Si Pacquiao ay nasa United States at nagsasanay para sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez  noong Disyembre nang sumalanta ang bagyo sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sinabi ni Holyfield na hindi niya palalagpasin ang pagkakataong makausap si Pacquiao.

DISYEMBRE

EVANDER HOLYFIELD

GLOBAL VILLAGE CHAMPION FOUNDATION

HOLYFIELD

JUAN MANUEL MARQUEZ

MINDANAO

MUHAMMAD ALI

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOBEL PEACE PRIZE

SI HOLYFIELD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with