^

PM Sports

MVP nagpasalamat sa PBA sa pagtulong sa National team

FMangonon - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal na pinasalamatan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman Manny V. Pangilinan ang Philippine Basketball Association sa suporta ng liga para sa darating na kampanya ng bansa sa FIBA-Asia Men’s Basketball Championships ngayong Agosto na gaganapin dito sa Manila.

Sa isang liham para sa PBA Board of Governors na pinadaan nito kay PBA Commissioner Chito Salud, sinabi ni Pangilinan, mas kilala bilang MVP, na natutuwa siya at nagkaisa ang PBA hindi lamang dahil sa pakiusap ng SBP kungdi dahil na rin sa tawag ng pa-ngangailangan ng buong bansa.

“It is heartening to say that the basketball community has answered not only the call of the sport but, more importantly, the call of the country,” pahayag ni Pangilinan sa kanyang liham sa PBA.

“SBP acknowledges that the successful hosting will not be possible without the participation of the PBA, which has lent players to the National team and adjusted its playing schedule to allow more preparation time.  Accordingly, our sincerest thanks go to the team owners. We also thank the PBA Board of Governors and the Commissioner for their support,” pahayag ni MVP, ang team owner ng Talk ‘N Text na siyang inaasahang magiging core ng Gilas Pilipinas National team kung saan may pitong players ito sa kabuuang 17- man training pool.

Nangako si Pangilinan na gagawin ng SBP ang lahat ng kanilang makakaya para matagumpay ang pagho-host at pagsali ng bansa sa FIBA-Asia Championships na huling ginanap dito at napanalunan din  ng Pinas, 40- taon na ang nakakaraan o noong 1973 pa.

Samantala, dumating lahat ang 17 players na nasa training pool ng Gilas Pilipinas sa kanilang unang ensayo sa Philsports Arena noong Lunes ng gabi.

Kumpleto ding dumating sa nasabing ensayo para magbigay ng suporta sa mga players ang buong lide-rato ng SBP sa pangunguna ni Pangilinan.

“We want to bring you to Spain next year,” wika ni Pangilinan sa kanyang maigsing speech sa players.

Ang Top 3 finishers sa darating na FIBA-Asia Championships ay kakatawan sa Asya sa FIBA World Cup na gaganapin sa Spain mula Agosto 30 hanggang Septyembre 9 sa susunod na taon.

Pero nagkaroon ng isang maliit na setback ang paghahanda ng Gilas Pilipinas nang ma-fracture ni Jeff Chan ang kanyang kaliwang hinlalaki sa isang ensayo ng Rain or Shine.

Bagama’t dumating noong Lunes ng gabi, hindi nakasama sa ensayo si Chan na inaasahang hindi makakalaro ng isang buwan.

AGOSTO

ANG TOP

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA MEN

BASKETBALL CHAMPIONSHIPS

BOARD OF GOVERNORS

BOARD OF GOVERNORS AND THE COMMISSIONER

GILAS PILIPINAS

PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with