Black Parade bumangon mula sa 3-fifth place finish
MANILA, Philippines - Tinapos ng Black Parade ang tatlong sunod na ikalimang puwestong pagtatapos nang masama sa mga nanalo sa pagtatapos ng pista noong Linggo sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Patuloy na diniskartehan ni Dan Camañero ang nasabing kabayo at napangatawanan nito ang malakas na pagremate tungo sa dominanteng pagtatapos sa karerang inilagay sa class dvision 1-A.
Ikalawang takbo ito sa dibisyon ng tambalan at kinuha ng Black Parade ang liderato sa Katmae sa rekta at mula rito ay iniwan ang mga naghahabol na katunggali.
Halos dalawang dipa bago dumating ang dehadong Deputy Jazz na nagpasiya sa mga dehadista nang ku-mabig ang mga ito ng magandang premyo.
Naghatid ng P34.00 ang win ng Black Parade habang nasa P1,716,00 ang di inaasahang forecast na 9-1. Ang pagtawid ng Katmae bilang pangatlong kabayo ay nagpamahagi naman ng P1,637.60 sa 9-1-8 trifecta.
Nakatikim din ng panalo ang Empire Queen na siyang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa gabi habang ang Saga ang pinakaliyamado nang kunin ang ikatlong dikit na panalo sa pagdodomina ng Philracom Handicap Race.
Naipuwesto ni R Tablizo ang Empire Queen sa balya upang mapaboran sa pagpasok sa huling kurbada tungo sa tatlong dipang panalo sa Eskapo.
Galing ang tambalan mula sa ikalimang puwes-tong pagtatapos kaya’t pinagdudahan ang kahandaan na dominahin ang karerang inilagay bilang isang 3YO Champ Colt race.
Halagang P44.00 ang ibinigay sa win habang P124.00 ang dibidendo sa 9-11 forecast.
Wala namang nakasabay nang kumawala na ang Saga para dominahin ang Philracom Handicap Race 3 na inilagay sa 1,300m distansya.
Naunang lumayo ang Sweet Temper pero pakagat lamang ito ng kabayong sakay ni RR De Leon dahil noong nag-init ito ay iniwan ang mga naunang kabayo at nanalo ng halos dalawang dipa sa Flying Hope na diniskartehan ni Tablizo.
Ang win ay naghatid ng P5.00 para sa outstanding favorite habang P29.00 naman ang ipinamigay na dibidendo sa 5-3 forecast.
- Latest