Marquez dismayado rin sa mataas na tax sa US
MANILA, Philippines - Kagaya ni Manny Pacquiao, dismayado rin si Juan Manuel Marquez sa malaking buwis na ipinapataw sa mga kagaya nilang foreign boxers na lumalaban sa United States.
Sinabi ng 39-anyos na si Marquez na nawawala ang 30 porsiyento ng kanyang prize purse sa IRS (Internal Revenue Service) ng US at magbabayad pa siya ng 10 porsiyento sa kanyang manager na si Ignacio ‘Nacho’ Beristain bukod pa sa ibang gastos sa kanyang paghahanda sa laban.
Ayon pa sa Mexican world four-division titlist, suwerte na kung makakakuha siya ng 40 hanggang 50 porsiyento sa kanyang premyo sa bawat laban niya sa US.
Nauna nang nagdesisyon ang Filipino world eight-division champion na si Pacquiao na lumaban sa labas ng US bunga ng malaking buwis na ipinapataw sa kanila.
Ang ilan sa lugar na ikinukunsidera ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para pagdausan ng laban ng 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) nga-yong taon ay ang Macau, Singapore, Mexico at Dubai.
Kamakailan ay sinabi ni Marquez (55-6-1, 40 KOs) na wala nang dahilan para muli niyang sagupain si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon matapos siyang umiskor ng isang sixth-round TKO sa kanilang ikaapat na banggaan noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ngunit kumpiyansa si Arum na mapaplantsa niya ang Pacquiao-Marquez V para sa Setyembre.
“It’s been like crazy questions that the Mexican guys have been asking him and then he gets angry and then he says things they quote and they’re really out of context,†wika ni Arum kay Marquez.
- Latest