^

PM Sports

Tac Padilla chef de mission ng PH team sa Asian Youth Games

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging shooting champion, ngayon ay pinagkakapitagan nang sports official.

Ang shooting champ na si Nathaniel ‘Tac’ Padilla ang magiging leader ng Philippine team bilang chef mission sa Asian Youth Games na nakatakda sa Aug. 16-24 sa Nanjing, China.

 â€œI’m thankful to POC (Philippine Olympic Committee) president Peping Cojuangco for appointing me to the prestigious position,” sabi ng 48-gulang na si Padilla, general manager ng negosyo ng kanilang pamilya na Spring Cooking Oil.  “It’s a great honor to continue serving the country.”

Ngunit hindi pa iiwan ni Padilla ang shooting kung saan nakakuha siya ng hindi na mabilang na gold medal sa international at local competitions.

 â€œAfter helping prepare and leading the National team to Nanjing, I’d go back to the sport which I’ve loved since I first won in the Benito Juarez Cup in Me-xico when I was barely 12 years old,” dagdag ni Padilla.

Sa katunayan ay nag-qualify na si Padilla para sa Southeast Asian Games ngayong taon sa Myanmar, para sa kanyang inaasahang ika-8th SEAG stint ngunit kinansela ng host country  ang kanyang event na  rapid fire pistol sa shooting competition.

Ayon kay Padilla, ang Asian Youth sportsfest ay magsisilbing qualifying competition para sa Youth Olympic Games sa Nanjing din sa susunod na taon.

May15 sports disciplines at 118 events ang paglalabanan. Ito ay ang aquatics (diving and swimming), athle-tics, badminton, basketball, fencing, golf, handball, judo, rugby, shooting, squash, table tennis, tennis at weightlifting.  Pinagdedesisyunan pa kung isasama ang football.

ASIAN YOUTH

ASIAN YOUTH GAMES

BENITO JUAREZ CUP

NANJING

PADILLA

PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPRING COOKING OIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with