Arum, Dela Hoya mahirap magkabati
MANILA, Philippines - Ang pagresolba sa siÂgalot nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar Dela Hoya ng GolÂden Boy Promotions ay parang paghahanap ng solusyon sa giyera sa Middle East.
Ito ang paglalarawan ni Cameron Dunkin, ang maÂnager ni unified world suÂper bantamweight ruler NoÂÂnito ‘The FiÂlipino Flash’ Donaire, Jr.
“Trying to get these guys together is like trying to solve the problems in the Middle East,†wika ni Dunkin sa sigalot nina Arum at Dela Hoya hinggil sa promosyon ng kani-kanilang mga boksingero.
Si Donaire (31-1-0, 20 KOs), ang kasalukuÂyang World Boxing Organization at International BoÂxing Federation super bantamweight champion, ay nasa kampo ng Top Rank, habang si Mares (25-0-1, 13 KOs), ang World Boxing Council titlist, ay nasa bakuran ng GolÂden Boy.
Sinabi ni Arum na ilaÂlaban niya kay Donaire ang alaga rin niyang si CuÂban World Boxing AssoÂciation titlist GuillerÂmo Rigondeaux (11-0, 8 KOs).
Nasa listahan din si Vic Darchinyan (38-5-1, 27 KOs).
- Latest