Babaeng Chinese basketball player naudlot ang Filipino naturalization
MANILA, Philippines - May posibilidad na butas pa rin ang interior defense ng National women’s basketball team kapag lumaban sa 27th SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ito ay matapos maudlot ang inaasahang pagpapabilis sa natura-lization papers ng 6’3†Chinese center na si Zheng Xiaojing. Naudlot na talakayin sa se-cond reading sa Senado ang papeles ni Zheng nang magkaroon ng mga katanungan si Se-nator Jinggoy Estrada.
“Nakakapanghina-yang kasi talagang ine-expect namin na papasa na ito sa Senado,†wika ni National coach Haydee Ong.
Mataas ang paniniwala ng pamunuan ng koponan na makukuha ni Zheng ang papeles na naunang ibinigay kay 6’10†Marcus Douthit para sa men’s team nang lumusot na sa Kamara ang House Bill 2683.
Natalakay na rin ito at pumasa sa first reading bago naudlot sa pagdinig na ginawa kamakailan.
Kung papalarin ay sa Hunyo na maaaring talakayin uli ang bagay na ito dahil tiyak na magiging abala na ang mga Senador sa magaganap na eleksyon.
Si Zheng ang nakikitang kulang sa National team na noong 2011 ay muntik nang nanalo ng ginto pero nabigo sa Thailand sa overtime para makontento sa pilak na medalya.
- Latest