raw bawat karerahan
MANILA, Philippines - Wala ng makakapigil pa sa pagsasagawa ng tagisan ng mga mahuhusay na kabayo sa tatlong racing clubs ng bansa.
Napagdesisyon na kung paano paghahati-hatiin ang anim na araw na inilaan sa karera para pantay-pantay na makinabang ang tatlong racing clubs na San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, Philippine Racing Club Inc. sa Naic at Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Para maging pantay sa lahat, nagdesisyon ang Philracom at ibang stakeholders na gawing tig-dalawang araw ang karera sa mga racing clubs.
Ang araw ng paglarga ng karera ay iikutin upang pare-parehong magkakaroon ng pagkakataon na magpakarera ang tatlong racing clubs sa araw ng Sabado at Linggo na kung saan marami ang mga kareristang tumatangkilik.
Ang bagong race track na Batangas ay magdaraos ng unang mga karera sa Huwebes at Linggo. Malaking karera ang kanilang inihahanda sa Linggo dahil nakaporma na sa race track na ito ganapin ang 2013 Philracom Prieto Cup sa Pebrero 24.
Ang nominasyon para sa mga tatakbo ay tatanggapin hanggang Pebrero 13 at ang stakes race ay sinahugan ng kabuuang premyo na P500,000.00 at ang mananalo ay magbibitbit ng P300,000.00.
Ang papangalawa ay mayroong P112,500.00 habang P62,500.00 at P25,000.00 ang mapapa-sakamay ng papangatlo at papang-apat sa datingan.
Inaasahang inaaba-ngan ang pagbubukas ng MMTC dahil sinasabing state-of-the-art ang pasilidad na inilagay rito.
Ang araw ng Martes at Biyernes ay inilaan sa Santa Ana Park habang ang araw ng Miyerkules at Sabado ang gagawin sa San Lazaro.
Samantala, itatakbo naman sa Linggo ang Philracom Prieto I stakes race na magbibigay-kinang sa pagtatapos ng pista sa Santa Ana Park. Ang karera na paglalabanan sa 1,700m distansya ay ikalawang leg din ng Imported/Local Challenge Race.
- Latest