^

PM Sports

Tunacao tangka ang ika-2 titulo

Pang-masa

MANILA, Philippines - May 13 taon na ang nakakaraan nang makopo ni  Malcolm Tunacao ang WBC flyweight crown sa bisa ng seventh round knockout kontra kay Medgeon 3-K Battery at ngayon sa edad na 35, ang Cebuano  na tinawag na ‘Eagle Eye’ ay may tsansa para sa ikalawang titulo sa takip silim ng kanyang career sa pakikipagharap kay  WBC bantamweight champion Shinsuke Yamanaka sa Kokugikan, Tokyo sa April 8.

Kung maaagawan ni Tunacao ng titulo si  Yamanaka, makakahanay niya ang pitong  Pinoy na sina Manny Pacquiao, Nonito Donaire, Jr., Brian Viloria, Gerry at Dodie Boy Peñalosa, Donnie Nietes at Lui-sito Espinosa na may hindi bababa sa dalawang titulo sa magkaibang divisions.

Naghari ng maigsing panahon si Tunacao bilang  WBC flyweight king at tinalo sa isang round ni Pongsaklek Wonjongkam sa kanyang ikalawang pagdedepensa ng titulo sa Phichit, Thailand,  noong 2001. 

Gumulo ang kanyang buhay matapos ng natu-rang kabiguan at ngayon ay nakabangon na matapos lumipat sa Japan. (QH)

 

vuukle comment

BRIAN VILORIA

DODIE BOY PE

DONNIE NIETES

EAGLE EYE

K BATTERY

MALCOLM TUNACAO

NONITO DONAIRE

PONGSAKLEK WONJONGKAM

SHINSUKE YAMANAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with