^

PM Sports

Kevin Alas ‘di na lalaro sa Letran

Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Nagdesisyon si Kevin Alas, isa sa pinakamahusay na amateur players sa bansa, na huwag nang ilaro ang kanyang pang-lima at huling taon para sa Letran Knight sa darating na 89th season ng NCAA.

Mas pinili ni Alas, anak ni dating Letran head coach Louie Alas, na tutukan ang kanyang pagsasanay para sa cadet team ng Gilas Pilipinas II. Kasama ang kanyang amang si Louie, ang assistant coach sa Alaska Milk sa PBA, ipinagbigay-alam ni Alas ang kanyang desisyon kay  Season 88 NCAA at Letran president-rector Fr. Tamerlane Lana, OP.

“I want to concentrate on the National team and I also want to give way to younger, equally talented players at Letran,” sabi ni Alas. “It was a tough decision for me but I really want to give my full commitment to National team duties,” dagdag pa ni Alas, hinirang na Finals MVP ng nakaraang Hong Kong tournament kung saan nagkampeon ang Gilas.

Si Louie ay papalitan ni Caloy Garcia, isang dating PBA coach, para sa Knights simula sa 89th NCAA season.

 

ALAS

ALASKA MILK

CALOY GARCIA

GILAS PILIPINAS

HONG KONG

KEVIN ALAS

LETRAN

LETRAN KNIGHT

LOUIE ALAS

SI LOUIE

TAMERLANE LANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with