^

PM Sports

Cebuana, JRU may laban pa

AT - Pang-masa

Laro BUKAS

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

2 p.m. – JRU vs Big Chill

4 p.m. – Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley

 

MANILA, Philippines - Nakitaan ang Cebuana Lhuillier at Jose Rizal University ng masidhing pagnanasa na manatiling palaban pa sa PBA D-League Aspirants’ Cup nang ta-lunin ang mas pinaborang Cagayan Valley at Big Chill sa quarterfinals kahapon sa San Juan Arena.

Gumawa ng 21 puntos si Gabriel Banal pero si Paul Zamar ang tuma-yong bida nang angkinin ang mahalagang jumper na bumasag sa huling pagtatabla sa 80-all at ang Gems ay nanaig sa Rising Suns, 84-83, sa unang laro.

Matapos ang buslo ni Zamar na may 14 puntos sa laro, nagkaroon ng tsansa ang Cagayan Valley na maitabla ang iskor nang na-foul si James Forrester ni JR Buencuseso.

Ngunit naramdaman ni Forrester ang pressure at sumablay ang huling buslo sa huling 10 segundo sa orasan.

Jumpball ang nangyari at nakuha ni Paul Sanga ang bola sabay foul ni Mark Bringas. Mintis ang dalawang buslo pero si Rex Leynes ang nakakuha ng offensive rebound na tuluyang tumapos sa laban ng Rising Suns.

Sinandalan naman ng tropa ni coach Vergel Meneses ang split sa free throws nina Jeckster Api-nian at Michael Mabulac para kunin ang 63-61 panalo sa ikalawang laro.

“Maganda ang depensa namin sa huli at napigil ang kanilang opensa. Determinado lang ang mga bata na manalo,” ani Meneses.

Sa nangyari, double knockout ang mangyayari bukas upang malaman kung sino ang makakasama ng NLEX at Blackwater Sports sa semifinals.

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

GABRIEL BANAL

JAMES FORRESTER

JECKSTER API

JOSE RIZAL UNIVERSITY

RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with