^

PM Sports

UAAP roundup: DLSU lady spikers pasok na sa semis

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin ng two-time defending champion La Salle ang unang puwesto sa Final Four sa women’s volleyball sa pamamagitan ng 25-17, 25-16, 25-23, panalo sa FEU na ginawa noong Linggo sa The Are­na sa San Juan City.

Ikasampung sunod na panalo ito ng Lady Ar­chers matapos matalo sa UST sa unang asignatura para mailista ang ika-14 na sunod na pagkakataon na nasa semifinals ang ko­ponan mula nang ipairal ang Final Four sa liga noong 1993-94 season.

Kailangan na lamang ng koponan na maipanalo ang isa sa huling tatlong laro o matapos ng isa sa huling tatlong asignatura ang Adamson para ha­wakan ang mahalagang twice-to-beat advantage.

Nasa semifinals at may twice-to-beat advantage na rin ang FEU at host National University sa ka­lalakihan nang manalo sa magkahiwalay na laro.

Tinuhog ng nagdede­pensang Tamaraws ang UE, 25-15, 25-23, 25-19, bago kinagat ng Bulldogs ang Ateneo, 25-21, 25-20, 25-18, upang maisu­long ang nangungunang karta sa 10-1.

Ateneo batters sa finals

Naudlot man ang tinar­get na sweep sa elimination round, hindi naman nabigo ang Ateneo sa hangad na puwesto sa finals ng UAAP baseball nang kunin  ang 4-2 panalo sa nagdede­pensang National Univer­sity noong Linggo sa Rizal Memorial field.

Ang panalo ng Eagles, na pumangalawa noong nakaraang taon, ay pam­bawi matapos sorpresahin ng UP noong Huwebes, 8-6, upang magwakas ang pitong sunod na panalo.

May 8-1 karta na ang Ateneo at sapat na ito para dumiretso sa cham­pionship na inilagay sa best of three series.

ATENEO

FINAL FOUR

LA SALLE

LADY AR

LINGGO

NATIONAL UNIVER

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with