Spurs nanalo ngunit nagka-injury si Duncan
SAN ANTONIO -- Ilang minutong nakasalampak sa sahig si Tim Duncan at hawak ang kanyang kaliwang binti.
Kasunod nito ay tinulungan siyang dalhin sa trainer’s room ng kanyang mga kakamping sina Stephen Jackson at DeJuan Blair.
Nagkaroon si Duncan ng sprained left knee at right ankle injury sa first half, ngunit nagawa pa rin ng Spurs na makuha ang 96-86 panalo kontra sa Washington Wizards nitong Sabado ng gabi para sa kanilang ika-10 sunod na taumpay.
Kumolekta si Tony Parker ng 19 points at 12 assists para sa San Antonio (38-11), nagtala ng 18 sunod na panalo sa kanilang homecourt.
Nagdagdag naman si Danny Green ng 15 points at may 12 si Tiago Splitter.
“He’s fine, he’s fine,’’ sabi ni Parker kay Duncan. “It’s nothing big. I’m sure (coach Gregg Popovich) is going to be very conscious about his knee and we’ll see.’’
Tila lalo pang lumubha ang naturang injury ni Duncan nang bumagsak siya sa huling 3:54 sa second quarter.
Nadaganan ni Martell Webster ng Washington ang kaliwang binti ni Duncan habang nakikipag-unahan sa isang rebound.
Bumalik si Duncan sa lineup matapos ipahinga sa kanilang apat na laro ang kanyang sumasakit na kaliwang tuod.
Kamakailan ay napili si Duncan para sa kanyang pang-14 All-Star game, base sa kanyang mga averages na 17.5 points at 9.8 rebounds per game ngayong season.
- Latest