Aprub na kay Comm. Salud, Aguilar kapalit ni Al-Hussaini
MANILA, Philippines - Pormal na inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud ang dalawang trade na para sa kanya ay lalong magbabalanse ng mga laban sa liga bukod pa sa benepisyo nito para sa mga players at koponan na kasangkot.
Ang unang trade ay kinasangkutan ng three-time Philippine Cup champion na Talk ‘N Text na lalong lumakas sa pagkakakuha kay Rabeh Al-Hussaini kapalit ni Japeth Aguilar na mapupunta sa Globalport.
Nakuha rin ni Aguilar, ang 2009 No. 1 overall pick, ang kanyang hininging pag-alis sa kampo ng Tropang Texters dahil umano sa playing time.
Makakasama naman muli ni Al-Hussaini, ang No. 2 overall pick ng 2010, ang kanyang dating coach sa Ateneo na si Norman Black.
Inaprubahan din ni Salud ang isa pang trade ng Batang Pier pero sa Meralco naman kung saan nakuha ng Globalport sina Sol Mercado at rookies Kelly Nabong at Jaypee Belencion kapalit nina Rey Francis Guevarra, Josh Vanlandingham, rookie Vic Manuel at isang 2015 first round draft pick.
Dahil sa nangyari ay naging kauna-unahang player si Mercado sa 38-taong kasaysayan ng liga na na-trade pagkatapos mag-No. 1 overall sa scoring at assists. Nag-average ng conference-best 19.1 points at 6.7 assists si Mercado para sa Bolts sa nakaraang 2012-13 PBA Phi-lippine Cup.
“These new trades are healthy for the players and teams involved , not to mention the league, as competitive balance among the member teams is decidedly enhanced,†pahayag ni Salud.
“All the players and teams in this latest set of trades will enjoy equal and optimum benefits,†dagdag din nito.
Samantala, binatikos ni San Miguel sports consultant Noli Eala ang pagkakadawit ng ilang players sa kanilang kampo sa mga usapang trade.
“It is very unfortunate that some papers headlined an alleged trade involving some of our players which we don’t agree with,†pahayag ni Eala sa kanyang Twitter account kahapon, malamang tinutukoy ang pagkakasama ni Jay Washington sa mga usapang trades.
- Latest