^

PM Sports

Dugo’s Sprite napasama sa mga nanalo sa Santa Ana

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ni jockey Jeff Bacaycay ang magandang porma ng kabayong Dugo’s Sprite nang masama sa mga nagwagi sa pagtatapos ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa isang Handicap Race (12) sa 1,200m distansya ku­marera ang nasabing kabayo at naipamalas ng tam­ba­lan ang angking husay nang manalo sa hamon ng Fireworks.

Kapwa galing sa panalo ang dalawang kabayong du­mating at nakuha ng Dugo’s Sprite ang ikalawang di­kit na panalo matapos ang apat na takbo sa buwan ng Enero.

Umabot pa sa P20.50 ang dibidendo ng panalo ng Dugo’s Sprite, habang P74.00 ang ibinigay sa nadehado pang 4-7 forecast.

Sa race four naitala ang pinakadehadong panalo nang makapanggulat ang Boss General sa Handicap Race (4) sa pinaglabanang 1,200m distansya.

Hindi napigil ang malakas na pagdating ng kaba­yong diniskartehan ni JT Pescuiso na siyang ikatlong hi­nete ng kabayo sa huling apat na takbo.

Mula sa ikalimang puwesto ay bumulusok ang ka­bayo para manalo pa ng halos limang dipa sa puma­ngalawa at rumemate ring Hymnless bago sumunod ang I Survived at ang Boy Pick Up na umangat ng dalawang dipa.

Nasa P114.00 ang ibinigay na dibidendo sa win ng Boss General na nanalo sa unang takbo sa taon, ha­bang P452.00 ang ibinigay sa 6-4 forecast.

BOSS GENERAL

BOY PICK UP

CAVITE

DUGO

HANDICAP RACE

I SURVIVED

JEFF BACAYCAY

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with