Celtics lusot sa Heat sa 2 OT
BOSTON -- Ang isang double-overtime vicÂtory laÂban kay LeBron James at sa defenÂding NBA chamÂpions ay maÂhirap ipagÂdiwang para kay Paul Pierce at sa Boston CeÂlÂtics.
Ang balita na hindi na makakalaro si Rajon RonÂdo sa buong season daÂhil sa kanyang knee inÂjuÂry ang nagpalungkot sa sitÂwasyon.
“Everyone was really hapÂpy for the win,†wika ni Pierce matapos talunin ng Boston ang Miami Heat, 100-98. “It brought a dark cloud in this room when you heard the news.â€
Tinapos ng Celtics ang kanilang six-game loÂsing slump kontra sa Heat na nanggaling sa isang four-game winning streak.
Ngayon ay naiwan ang Boston na wala ang kaÂnilang court leader na naÂkaranas ng torn anterior cruciate ligament sa kanyang kanang tuhod sa 112-123 double overtime loss nila sa Atlanta Hawks noong Linggo.
Nanalo sila sa Miami matapos isalpak ni Pierce ang isang 22-foot jumper sa huling 31 segundo para sa kanilang 99-98 bentaÂhe.
“Obviously, the Rondo news is pretty tough. I knew it before the game,†saÂbi ni Celtics coach Doc RiÂvers. “I just didn’t think it was any time to tell any of our guys.â€
Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ng BosÂton ang dati nilang plaÂyer na si Ray Allen na naglaro sa Celtics sa loÂob ng limang seasons at pumirma bilang free agent sa Miami.
Umiskor si Allen ng 21 points para sa Heat.
Humakot si Kevin GarÂnett ng 24 points at 11 reÂbounds, habang nagÂdagÂdag si Pierce ng triple-double mula sa kanyang 17 points, 13 rebounds at 10 assists.
Umiskor naman si James ng 34 points para sa Heat.
Matapos ang basket ni Pierce, nagkaroon pa si James ng pagkakataon na itaas ang Heat ngunit nagÂmintis ang kanyang 12-foot jumper sa natitirang 6.8 segundo.
- Latest