El Libertador ni Abalos nakapagpasikat kaagad

MANILA, Philippines - Nagpasikat agad ang kabayong lahok ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos nang dominahin ang kauna-unahang PCSO Maiden Race para sa taong 2013 na pinaglabanan noong  Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang El Libertador na sakay ni jockey Kevin Abobo ay umalagwa sa pagbubukas pa lamang ng aparato at patuloy na lumayo nang lumayo tungo sa dinominanteng panalo sa tampok na karera na itinaguyod ng Philippine Charity Sweepstakes Office at pinaglaba-nan sa 1,200m distansya.

Hindi pa natatalo ang nasabing kabayo sa dalawang opisyal na takbo na kinatampukan ng pangi-ngibabaw sa barrier race noong Enero 8.

Halos apat na dipa ang inilayo ng El Libertador sa naghabol na entrada ni Leonardo Maverick Javier  na Royal Maverick sa pagdadala ni Jessie Guce.

Ito ang unang kabiguan ng kabayo matapos manalo rin sa barrier race noong Enero 2.

Halagang P600,000.00 mula sa P1 milyong prem-yo ang napasakamay ni Mayor Abalos.

Higit dito, malaki rin ang posibilidad na may ma-tinding panlaban  uli ang horseowner tulad ng nakita noong nakaraang taon nang dominahin ng Hagdang Bato ang horse racing industry.

Nakaremate pa ang Top Story ni MA Alvarez sa Kidney’s Magic ni CP Henson para sa ikatlong puwesto.

May P225,000.00 pabuya si Javier habang P125,000.00 at P50,000.00 ang napunta sa connections ng mga kabayong pumangatlo at pumang-apat sa datingan.

Patok ang El Libertador para makapaghatid ng P5.50 dibidendo habang ang 2-3 forecast ay nagbigay ng P9.50 dibidendo.

Nagkaroon din ng mga special races na may added prizes na P10,000.00 sa nanalo lamang at nakuha ito ng mga Parthenon at puting kabayong Biboy’s Girl sa 3YO Maiden 1-2 at 3YO Maiden 1 races.

Show comments