Lakers tinalo ang Utah Jazz
LOS ANGELES -- Nagsalpak si Metta World Peace ng limang 3-poinÂters patungo sa kanyang 17 points at tinulungan ang Los Angeles Lakers sa 102-84 panalo laban sa Utah Jazz.
Tinapos ng Lakers ang kanilang four-game losing skid.
Humakot si Dwight Howard ng 17 points at 13 rebounds, haÂbang nag-amÂbag sina Steve Nash at Pau Gasol ng tig-15 marÂkers.
Nagposte naman si KoÂbe BrÂyÂant ng 14 points, season-high na 14 assists at 9 reÂbounds para igiya ang LaÂkers sa una nilang taÂgumpay sa kanilang tatlong beses na paghaharap ng Jazz ngayong season.
Nagwakas naman ang four-game winning streak ng Utah.
Muling nasaktan ang kaÂnang balikat ni Howard sa second quarter sa kabiguan ng Lakers sa Memphis noong Miyerkules.
Ngunit hindi niya ito ininda nang tumipa ng 6 points sa isang 15-4 ratsaÂda ng Lakers laban sa Jazz.
Pinangunahan ni Derrick Favors ang Jazz mula sa kanyang 14 points, habang may 13 si reserve Gordon Hayward at 12 si Al Jefferson.
Nag-ambag naman ng tig-10 markers sina Paul Millsap at Randy Foye.
Nakalapit ang Utah sa 69-78 sa kaagahan ng fourth quarter bago dinoÂmiÂna ng Lakers ang huÂling 10 minuto.
Isinalpak ni World Peace ang kanyang pang-liÂmang 3-pointer at umiskor ng 4 points si Bryant sa 14-5 atake na naglayo sa Los Angeles sa 92-74.
Nauna nang nagtala ang Lakers ng isang 12-point lead sa third period hanggang makalapit ang Utah sa 58-61 mula sa alley-oop dunk ni Favors mula sa pasa ni Earl Watson.
Muling nag-init ang Lakers sa 3-point range.
Tatlong tres ang isinalpak nina Chris Duhon at World Peace, samantalang isang dunk ang ginawa ni Jodie Meeks para ibigay sa Lakers ang 72-63 bentahe papunta sa fourth quarter.
Nagkaroon ng komprontasyon sina Gasol at Millsap na nagresulta sa kanilang double technicals.
- Latest