Queen Of Class pinakinang ni Fernandez
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ma-gandang ipinakikita ng kabayong Headline Chaser nang manalo uli sa pagpapatuloy ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Huwebes ng gabi.
Si Roderick Hipolito uli ang hinete ng kabayo na dinomina ang class division six na pinaglabanan sa 1,600m distansya.
Sobra-sobra ang Headline Chaser sa pitong naglaban at patulak-tulak lamang ang ginawa ni Hipolito bago tuluyang pinakawalan ang kabayo sa rekta tungo sa solong pagtawid sa meta.
Nalagay sa ikalawang puwesto King Rick na bumawi sa ikapitong pagtatapos sa unang takbo noong Enero 12.
Huling nanalo ang Headline Chaser noong Enero 13 sa isang 1,300m karera at nasuklian ng tambalan ang pagtitiwala ng bayang-karerista na inilagay ang kabayo bilang paborito tungo sa P7.00 sa win.
Nadehado pa ang forecast sa pagkapasok ng King Rick para sa P35.50 dibidendo sa 3-5 forecast.
Nagpasikat din ang isa pang napaborang Waldy’s Fury na dinomina ang class division 1 sa 1,000m distansyang karera.
Pambawi ang panalo sa kabayong sinakyan ni VG Serrano noong Enero 15 na kung saan tumapos ang tambalan sa ikala-wang puwesto.
Tinalo ng Waldy’s Fury ang Discovery Peak na dala ng apprentice rider na si WC Utalla na nabigo sa asam na ikalawang sunod na tagumpay.
Halagang P7.00 ang ibinigay sa win habang P36.50 ang dibidendo sa 6-3 forecast.
Mga liyamado ang kuminang sa gabing ito at ang Honeywersmypants na diniskartehan ni Pat Dilema ang siyang lumabas bilang pinakadehadong kabayo sa 3YO Handicap Race (2).
Naghatid ang win ng P18.50 habang ang forecast na tambalan ng nanalong kabayo at Real Crispy ni JB Guce na 9-7 ay may P66.50 dibidendo
- Latest
- Trending