So nakipag-draw sa Vietnamese Super GM
ANILA, Philippines - Naisalba ni Grandmaster Wesley So ang draw mula sa mahirap na posisyon laban sa kanyang kapwa lider na si Super Grandmaster Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam para manatili silang magkasalo sa liderato matapos ang apat na rounds sa pagpapatuloy ng Asian Zonal 3.3 Chess Championships sa Tagaytay Inter-ntional Convention Center nitong Huwebes.
Nagkasundo ang dalawang co-leaders na maghati na lamang sa puntos matapos ang 44 moves ng Neo-Gruenfeld defense kung saan hawak ni So ang itim na piyesa.
Sa kabuuan, si So ay mayroon nang 3.5 points.
“I’m lucky I escaped with a draw because he had a lightly better position,†sabi ng 19-gulang na si So, tangka ang titulo at slot sa World Cup.
Tanging si Oliver Barbosa pa lamang ang nakakasiguro ng slot sa World Cup.
Sa ikalimang round, puting piyesa ang lalaruin ni So kontra kay Mongolian GM-elect Bayarsaikhan Gundavaa habang ang Vietnamese ace ay haharap sa isa pang Pinoy na si Darwin Laylo.
Nakipaghati rin ng puntos si Gundavaa kay Laylo matapos ang 30 moves ng Gruenfeld defense.
“I’ll go for a win since I’m handling the white pieces,†sabi ni So, tumalo kay Gundavaa ng dalawang beses at naka-isang draw sa kanilang mga nakaraang paghaharap.
Kasama nina Gundavaa at Laylo sa grupo ng mga naka-3.0 puntos sina defending champion Susanto Megaranto ng Indonesia at Viet IM Nguyen Doc Hoa, na nakatakdang magharap kahapon.
May 3.0 points din sina FM Haridas Pascua, nalo kay GM John Paul Gomez matapos ang 49 moves ng Queens Gambit Accepted.
Naungusan naman ng Jakarta-based na si Megaranto si IM Rolando Nolte matapos ang 85 moves ng Ruy Lopez Opening habang iginupo naman ni Doc Hoa ang US-based na si GM Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr. matapos ang 42 sulungan ng King’s Indian defense.
- Latest
- Trending