27th FIBA Asia C’ships masusubaybayan sa TV
MANILA, Philippines - Matapos ang 40 taon, muling iho-host ng bansa ang FIBA-Asia Cham-pionships.
Ang regional tournament ay nakatakda sa Agosto na magsisilbing qualifying event para sa FIBA World Championships na gagawin sa Spain sa susunod na taon.
Unang ibinigay ng FIBA-Asia ang pagho-host ng event sa Lebanon pero dahil sa problema sa Middle East, napuwersa ang FIBA-Asia Executive Committee na palitan ang venue mula sa Beirut, Lebanon patungong Manila, Philippines.
Malugod na tinanggap ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manuel V. Pangilinan ang desisyon ng FIBA-Asia.
“Much hard work lies ahead in organizing this event, but we will do our best to make it successful. It is time to unite Philippine basketball to achieve our goal of entering the World Championship in Spain in 2014,†ani Pangilinan.
Ang Solar Entertainment Corporation ang magiging official broadcaster ng torneo.
- Latest
- Trending