MANILA, Philippines - Plano ng New Orleans Hornets na ihayag ang opis-yal na pagpapalit ng kanilang nickname sa Pelicans.
Ipapakita rin nila ang kanilang bagong kulay at logo sa itinakdang press conference nitong Huwebes, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Ang bagong nickname, kulay at logo ay gagamitin sa 2013-14 season.
Ang kanilang kulay ay blue, gold at red.
Inaasahan na ang pagpapalit ng image ng Hornets matapos mabili ni Tom Benson noong April 14.
Hindi pa alam kung kailan magiging available ang mga Pelicans merchandise.
Ang pelican ay ang state bird ng Louisiana na kila-lang Pelican State. Ang pelican ay makikita rin sa license plates, bandila, state seal at state painting. Ang ibon na ito ay simbolo ng environmental recovery ng Louisiana mula sa oil spills.